Home
“Pag-ibig Lang” by Gary Granada
Album Invitation to a Chapel Wedding [2007] / Gary Granada Lovesongs Compilation [2010] / The Essential Gary Granada Collection [2011]
Ave. Rating: 0 (0 votes)

Ako ang dulo at ikaw ang umpisa
Dal'wa ang dako ng landas nating dal'wa
Ika'y apoy, ako ay tubig
Duda ko'y iyong pananalig
Ang tiyak sa 'yo ay aking pangamba

Ako'y maghapon at ikaw ay magdamag
Ika'y matapang kung saan ako duwag
Ang 'yong huli ay aking una
Madali mo'y 'di ko kaya
At ang aking sige ay siya mong huwag

At 'pag tayo'y nag-uusap, parang lupa't alapaap
Nagtatalo ang sigaw at ang bulong
Sala sa ikli at haba, parang timog at hilaga
'Di mahuhulaan kung sa'n hahantong

Bakit hanggang ngayon tayo ay narito
At may kutob akong kapwa natin gusto
Paano mo maipaliwanag kung paano 'di natitinag
At pagkakaiba ay 'di naging hadlang
Dahil kaya 'pag magkasama'y masaya
May kaagapay o kaya, baka naman pag-ibig lang

At 'pag tayo'y nag-uusap, parang lupa't alapaap
Nagtatalo ang sigaw at ang bulong
Ang hindi ko mahagilap ang 'yong laging nahahanap
Sa isa't isa ang isa't isa'y bugtong

Minsan tuloy nalilingat, natatangay
Sa piling mo'y wari lahat mayro'ng saysay
Paano mo maipaliwanag kung paano 'di natitinag
At pagkakaiba ay 'di naging hadlang
Dahil kaya pag magkasama'y masaya
May kaagapay o kaya, baka naman pag-ibig lang
Comments
blog comments powered by Disqus