Home
“Lalawigan” by Gary Granada
Album Saranggola sa Ulan [2002] / The Essential Gary Granada Collection [2011] / MAPA 1: Mga Awit na Magagamit sa Panlipunang Aralin, Vol. 1 [2013]
Ave. Rating: 0 (0 votes)

Narito sa lalawigan
Ang una mong pag-ibig
Ang iyong mga kaibigan
Kababata't kapatid

Si Juan minsa'y nangarap
At kung saan-saan pa nagpunta
Ang asensong hinahanap
Sa lalawigan lang pala

Dito lang matutupad
Ang ating hinahangad
Dito lamang uunlad
At lalawig ang bukas

Dito lang nagmumula
Ang yaman ng ating bansa
Dito tayo gagawa
Sa ginagis ng lalawigan

Ang damdaming makatao
Dito natin natutunan
Mga ugaling Pilipino
Gaya ng pagdadamayan

Sa siyudad iba'ng sistema
Sa sobrang kasikipan
Pati na sa 'yong problema
Halos walang mahingahan

Dito mo ako mahalin
Dito natin didiligin
Palagihi't palaguin
Ang ating sumpaan

Dito tayo mamumunga
Gigiik at giginhawa
Sasaya at sasagana
Sa ginagis ng lalawigan

Dito tayo titira
Sisikhay at sisigla
Tatagal at tatanda
Sa ginagis ng lalawigan
Comments
blog comments powered by Disqus