Home
“Mana-mana Lang 'Yan” by Gary Granada
Album Saranggola sa Ulan [2002] / Gary Granada Award Winning Pieces [2010] / The Essential Gary Granada Collection [2011] / MAPA 2: Mga Awit na Magagamit sa Panlipunang Aralin, Vol. 2 [2014]
Ave. Rating: 0 (0 votes)

Si Estong nagtaka sa anak niyang isa
Ke bata-bata pa, ke lutong magmura
Ang hilig mambara at mang-alipusta
Ang angas ng asta, talo pa ang ama

Ang dal'wa'y magkasing-husay kung maglasing
Ang bait ng dating hangga't 'di pa gising
Sa'n pa ba hahantong ang junior ni Estong
Sa jueteng nalulong, sa shabu nakulong

Mana-mana lang 'yan, mana-mana lang 'yan
Kamukha ng kopya ang pinagkopyahan
Mana-mana lang 'yan, mana-mana lang 'yan
Mana-mana-mana-mana-mana lang 'yan

Ang nanay ni Islaw saleslady sa Cubao
Tagbagyo't tag-araw ay kayod-kalabaw
Sa tiwalang payak inakay ang anak
Sa tahanang gayak ng kalinga't galak

Ang sipag ni inay ang baon niya't gabay
Trabaho't aral ay kanyang pinagsabay
Sa buhay na kapos siya'y nakipagtuos
Kahit na hikahos, cum laudeng nagtapos

Mana-mana lang 'yan, mana-mana lang 'yan
Ang supling singgaling ng pinanggalingan
Mana-mana lang 'yan, mana-mana lang 'yan
Mana-mana-mana-mana-mana lang 'yan

Kung ano ang turo ay siya rin ang tika
Kung ano ang puno ay siya rin ang bunga (at siya rin ang bunga)

Mana-mana lang 'yan, mana-mana lang 'yan
Kamukha ng kopya ang pinagkopyahan
Mana-mana lang 'yan, mana-mana lang 'yan
Mana-mana-mana-mana-mana lang 'yan

Mana-mana lang 'yan, mana-mana lang 'yan
Ang supling singgaling ng pinanggalingan
Mana-mana lang 'yan, mana-mana lang 'yan
Mana-mana-mana-mana-ma
Mana-mana-mana-mana-ma
Mana-mana-mana-mana-mana lang 'yan
Comments
blog comments powered by Disqus