Home
“O Kaysarap” by Gary Granada
Album Basurero ng Luneta [2009] / The Essential Gary Granada Collection [2011] / MAPA 2: Mga Awit na Magagamit sa Panlipunang Aralin, Vol. 2 [2014]
Ave. Rating: 0 (0 votes)

O kaysarap, o kaysarap
O kaysarap-sarap
O kaysarap, o kaysarap
O kaysarap-sarap

O kaysarap mabuhay
Sa lupang hinirang
O kaydaling mabuhay
Dito sa ating bayan

Murang-mura ang bilihin
Sweldo'y kaylaki
Ang lahat ng iyong naisin
Iyong mabibili

Murang-mura ang kuryente
Sagana sa tubig
Ang gamot ay halos libre
Kaya ang bukambibig ko'y

O kaysarap mabuhay
Sa lupang hinirang
O kaydaling mabuhay
Dito sa ating bayan

O kaysarap, o kaysarap
O kaysarap-sarap
O kaysarap, o kaysarap
O kaysarap-sarap

Hindi tumatanggap ng lagay
Ang mga pulis
Ang rekord ng ating militar
Kaylinis-linis

Kaybilis pa ng serbisyo
Ng pamahalaan
Walang kamag-anak-kamag-anak dito
Sa ating bayan, kaya...

O kaysarap, o kaysarap
O kaysarap-sarap
O kaysarap, o kaysarap
O kaysarap-sarap

Makikita mo sa TV
Mapapanood mo pa sa sine
Ang lahat ay nakangisi
Ang bayang Pilipinas
Paunlad nang paunlad

Mababasa n'yo sa dyaryo
Maririnig n'yo rin sa radyo
Ang galing ng ating gobyerno
Ang bayang Pilipinas
Paunlad nang paunlad (yehey)

O kaysarap, o kaysarap
O kaysarap-sarap
O kaysarap, o kaysarap
O kaysarap-sarap (ramdam na ramdam)

O kaysarap, o kaysarap
O kaysarap-sarap (one more time)
O kaysarap, o kaysarap
O kaysarap-sarap
Comments
blog comments powered by Disqus