Home
“Ang Aking Kubo” by Gary Granada
Album Saranggola sa Ulan [2002] / Inviation to a Chapel Wedding [2007] / Samu't Saring Gary Granada [2008] / Gary Granada Award Winning Pieces [2010] / The Essential Gary Granada Collection [2011] / MAPA 1: Mga Awit na Magagamit sa Panlipunang Aralin, Vol. 1 [2013]
Ave. Rating: 0 (0 votes)

Ang aking kubo sa tabindagat
Dingding ay pawid, bubong ay nipa
Sa paligid may mga halaman
At bakod na gawang kawayan

Gayak ng kubo ay kalikasan
Ang kabukiran, ang buwan at bituin
Pinapayungan ng punongkahoy
At hinihipan ng sariwang hangin

Sa aking kubo'y may paralumang
Sa aking puso'y nakalarawan
At sa pagtulog ay mayro'ng rosas
Na niyayakap ko't hinahagkan

Ang aking kubo'y dalampasigang
Sa along tulad ko'y inaasam-asam
Kubong kailanma'y 'di ko ipagpapalit
Sa isang palasyong walang pag-ibig

Ganiyan ang kubo, ganiyan ang buhay
Minsa'y tatawa ka, minsa’y malulumbay
May pagdiriwang, may kalungkutan
Laging nangungutya ang kapalaran

May mga sandaling mistulang langit
Ngunit paggising pala'y panaginip
Kaya kailangang sa gabi't araw
Didiligin ang kubo ng pag-ibig

Sa aking kubo tuwing takipsilim
Lumang gitara'y aking kapiling
Mga awiting 'di malilimutan
Mga harana at mga kundiman

Ang aking kubong pangkaraniwan
'Di man kastilyo ngunit paraiso
Kahit na mukhang bahay-bahayan
Ang aking kubo'y isang tahanan

Ganiyan ang kubo, ganiyan ang buhay
Minsa'y tatawa ka, minsa’y malulumbay
May pagdiriwang, may kalungkutan
Laging nangungutya ang kapalaran

May mga sandaling mistulang langit
Ngunit paggising pala'y panaginip
Kaya kailangang sa gabi't araw
Didiligin ang kubo ng pag-ibig

Sa aking kubo'y may paralumang
Sa aking puso'y nakalarawan
At sa pagtulog ay mayro'ng rosas
Na niyayakap ko't hinahagkan

Ang aking kubong pangkaraniwan
'Di man kastilyo ngunit paraiso
Kahit na mukhang bahay-bahayan
Ang aking kubo'y isang tahanan

Kubong kailanma'y 'di ko ipagpapalit
Sa isang palasyong walang pag-ibig
Comments
blog comments powered by Disqus