Home
“Ang Lupang Ito” by Gary Granada
Album Pagsamba at Pakikibaka [1989]
Ave. Rating: 5 (1 votes)

Uh, minsan naman po ako ay nanood ng isang talakayan sa TV,
at ang paksa po do'n ay tungkol sa land reform.
At sinabi ng isang matalino at katandaang panauhin do'n
na hindi raw dapat pagbahagi-bahaginin ang lupa
dahil hindi naman daw totoo na ito ay pag-aari ng Diyos.
Ito raw ang pinakamahinang teoriya sa pamantasan.
That the land belongs to God is the least plausible theory in higher education.
Ako ay namanglaw dahil
akala ko ang pagkatakot sa Panginoon ay panimula ng karunungan.
At naroon sa harap ko ang isang taong
obviously ay marunong at may pinag-aralan ngunit
hindi kumikilala at, uh, magpakumbaba sa kanyang Maylikha.

Simoy ng bukid at hamog sa linang
Luntiang paligid ang aking kinagisnan
Mahal na magulang at mga anak ko
Dito isinilang sa lupang ito

Sa init na labis at salat na ulan
Dinilig ko ng pawis ang lupang tigang
Binhi ay sumibol, nag-usbong, nag-uhay
Nagbunga at bumuhay ng maraming buhay

Ngunit dumating ang araw
Ang lupa'y naagaw at nasiil
Ng mga dayuha't banyagang
May mahiwagang dokumentong papel

Ang aking paniwala magmula pa noon
Iba sa panukala na nakasulat doon
Ang sinabi ng pari ay 'di raw totoo
Na Diyos ang may-ari ng lupang ito

Sa aking bulong at sigaw
Tangis at hiyaw ay walang nakinig
Ngunit sa kataas-taasan
Ang katotohanan kailanman'y 'di lingid

Ang Diyos ng pag-ibig at kapayapaan
Diyos din na hukom, Diyos ng katarungan
Babalik na ang hari, magsusulit kayo
Sa tunay na may-ari ng lupang ito

Sa Chapter 9 po ng aklat ng Exodus, sinabi ni Moises sa paraon,
"Pagkalabas ko sa lungsod, dadalangin ako kay Yahweh.
Mawawala ang mga kulog at titigl ang ulan at yelo.
Sa gayo'y malalaman ninyo na si Yahweh
ang Siyang may-ari ng daigdig.
Bagamat alam kong kayo at ang inyong mga tauhan
ay hindi pa natatakot sa Kanya."
Comments
blog comments powered by Disqus