Home
“Kahit Ano'ng Mangyari” by Gary Granada
Album Invitation to a Chapel Wedding [2007] / Gary Granada Lovesongs Compilation [2010]
Ave. Rating: 1.75 (4 votes)

(Ooh, ooh)

Kahit ang lupa ay sumusuko sa init ng tag-araw
Sinag ng tala ma'y nadadako rin sa pamamanglaw
Ang alaala ay lumilipas at naibabaon
Kulay ay kumukupas sa agos ng panahon

Ngunit kahit na ano'ng mangyari
Kung mayro'ng pagmamahal
Pag-ibig ang siyang maghahari
Kaya magtatagal

Kahit sa dulo ng bahaghari
Ikaw at ako'y dalhin
Kahit ano'ng mangyari
Ikaw ay mamahalin

Kahit na ano'ng mangyari
Kung mayro'ng pagmamahal
Pag-ibig ang siyang maghahari
Sinta'y magtatagal

Harinawa, hari manawari
Ikaw at ako pa rin
Kahit ano'ng mangyari
Ikaw ay mamahalin

Kahit ano'ng mangyari (ooh)
Kahit ano'ng mangyari (ahh)
Kahit ano'ng mangyari
Ikaw ay mamahalin (ooh, ooh)
Comments
blog comments powered by Disqus