Home
“Paligid” by Gary Granada
Album Pagsamba at Pakikibaka [1989] / MAPA 1: Mga Awit na Magagamit sa Panlipunang Aralin, Vol. 1 [2013]
Ave. Rating: 0 (0 votes)

Magandang araw po sa inyo, mga kaibigan.
Salamat sa inyong pagpapaunlak ng panahon
sa munting koleksyon ng mga awiting ito.
Hindi lang po awit ang aking ihahatid sa inyo
kun'di mga kuwentong buhay-buhay na rin,
at higit sa lahat pananaw na naka-ugat sa salita ng Diyos.
No'ng 1976 po hanggang 1978, ako ay napadpad sa Baguio City upang mag-aral.
At tuwing Nobyembre po do'n ako ay takot na takot sa mga budo-budo,
mga higad po 'yon na nahuhulog mula sa tangkay ng pine trees.
Eh 'pag 'yon po ay sumagi sa leeg n'yo, ang kati ho no'n.
Pero nitong nakaraang Nobyembre, umakyat po ako uli sa Baguio,
at, uh, napansin ko, parang biglang nawala ang aking takot do'n sa mga higad.
Eh pa'no kasi, wala na sila do'n.
Eh to put it more accurately,
wala na silang masyadong mga tangkay ng pine trees na makakapitan.

Walang madadapuan ang mandaragit
Walang mapupugaran ang ibong pipit
Walang maiaalay na daho't sanga
Ang gubat na namamatay na

Walang masisilungan ang hito't dalag
Walang matataguan ang hipon at kasag
Sila ay lilipulin sa madali't malaon
Walang patatawarin sa sabog at lason

Wala nang gagamasin ang manggagamas
Wala ring gagapasin ang manggagapas
Ang dagat na ating ikinabubuhay
Ay dagat na ikinamamatay

Susunod na ang mais at palay
At mga hayop na walang kamalay-malay
Ang mga bulaklak, tutubi't palaka
At ang kalaro nilang ating mga bata

Walang manghihinayang sa aking awitin
Walang makikinabang sa 'yong mithiin
Dahil walang nagmamasid at nababahala
Habang ang paligid napipinsala

No'ng sumuway po ang unang tao sa Diyos
ay hindi lamang ang kanilang budhi ang nagdusa,
kun'di pati na rin ang sangnilikha.
Sa Genesis, Chapter 3, uh, sinabi ng Panginoon kay Adan,
"Sa nangyaring ito, ang lupang tanima'y Aking susumpain magpakailanman."
Mabuti na lang at sinulat nga ni Pablo na "gayunma'y may pag-asa pa
sapagkat ang sangnilikha ay palalayain sa pagkakaalipin nito sa kabulukan,
at makakahati sa maluwalhating kalagayan ng mga anak ng Diyos."
'Yon po'y matatagpuan natin sa Romans, Chapter 8.
Comments
blog comments powered by Disqus