Home
“Isa” by Gary Granada
Album Invitation to a Chapel Wedding [2007] / The Essential Gary Granada Collection [2011]
Ave. Rating: 0 (0 votes)

Kagaya ng bituing sabay nang nilikha
Subalit may kani-kaniyang landas
At kahit pa gawing pareho'ng simula
Sadyang magkakaiba't ibang wakas

Ngunit sa pag-ibig na mula sa Maykapal
Kahit na sila'y magkaiba
Kung may pananalig at pagmamahal
Ang dalawa'y maging isa

Minsa'y tinakdang sila'y magkatagpong minsan
Hawak niyang pag-isahin ang panahon
Kahit na sila'y nagkalihis man ng daan
Minsan ding pagsangahin ang dito at doon

Kagaya ng ilog, sila ay bubukod
Sa sintang ama't ina
At ang magsing-irog ay magbubuklod
Para sa isa't isa

Minsa'y tinakdang sila'y magkatagpong minsan
Hawak niyang pag-isahin ang panahon
Ang pinag-isang mga buhay ng Maylalang
Huwag nawang pagwalayin ng pagkakataon

Hindi man matanto, hindi man matalos
Sa isang munting pasya
Sa harap ng tao at harap ng Diyos
Ang isa't isa'y magiging iisa

Ang isa't isa'y isa
Comments
blog comments powered by Disqus