Home
“Sinisintang Bayan” by Bayang Barrios
Album Saranggola sa Ulan [2002] / The Essential Gary Granada Collection [2011] / MAPA 2: Mga Awit na Magagamit sa Panlipunang Aralin, Vol. 2 [2014]
Ave. Rating: 1 (1 votes)

Dito ko nahanap
Ang hanap ko na buhay
Dito nadalumat
Ang kabuluha't saysay

Na pinatitining
At pinatitibay
Dinidilig, pinapanday
Ng pag-ibig na 'di mamamatay

Buhay kong kaisa-isa
Tanging kayamanan
Magmula nang makasama ka
Naging makasaysayan

Ang iyong mga anak
Laging patnubayan
Tungo sa paglaya mong ganap
O sinisintang bayan

Sa lupang sagana
Aba ang karamihan
Kung kaya kasama
Ng buong sambayanan

Sa digmang payapa
At digmang digmaan
Ilulunsad, iluluwal
Ang maunlad na bayang maydangal

Buhay kong kaisa-isa
Tanging kayamanan
Magmula nang makasama ka
Naging makasaysayan

Ang iyong mga anak
Laging patnubayan
Tungo sa paglaya mong ganap
O sinisintang bayan

Buhay kong kaisa-isa
Tanging kayamanan
Magmula nang makasama ka
Naging makasaysayan

Ang iyong mga anak
Laging patnubayan
Tungo sa paglaya mong ganap
O sinisintang bayan
Song Trivia
This song's original meloday came from "Buhi sa Kanunay."
Comments
blog comments powered by Disqus