Home
“Tulad ng Dati” by Gary Granada
Album Basurero ng Luneta [2009] / The Essential Gary Granada Collection [2011]
Ave. Rating: 0 (0 votes)

Tuwing nagkikita mga kaeskwela ko noon
"Ano'ng balita," malimit na tinatanong
Bungad parati ng magkakaibigan na tapat
Tulad ng dati magbago man lahat

'Di maiwasang sulitin ang karanasan
Kung pwede nga lang ulitin ang nakaraan
Isa pang tagay sa ngalan ng naririto
Bilang papugay sa mga 'di makadalo

Tulad ng dati, tulad ng dati
Tulad ng dati pa rin
Tulad ng dati, tulad ng dati
Tulad ng dati pa rin

Ba't ang tindera parang hindi tumatanda
Gandang dalaga, anak pala na kamukha
At ang binata na dating siga na maton
Nag-aalaga na ng bata ngayon

Ang mga utang nakikibagay sa bilbil
Buti na lang malalaki na'ng traysikel
Konting buyo lahat ay napapakanta
Sa lumang biro kami pa ri'y natatawa

Tulad ng dati, tulad ng dati
Tulad ng dati pa rin
Tulad ng dati, tulad ng dati
Tulad ng dati pa rin

Dating sakahan ay nagmistulang parang
Ang dating parang ay sementado nang daan
Ang dating daan isang simbahan na ngayon
At ang simbahan isa na lang relihiyon

Sino'ng hahatol sa nagdaang mga taon
Ang bagong sibol sa darating na panahon
Alam ko ring sa kanilang henerasyon
Ay ituturing na dati ang ngayon

Tulad ng dati, tulad ng dati
Tulad ng dati pa rin
Tulad ng dati, tulad ng dati
Tulad ng dati pa rin

Ang dating dagat, dagat-dagatan na ngayon
Ang dating gubat, alam n'yo ba kung ano 'yon
Ang dating batis na siyang tipanan namin no'n
Sa may libis naging mababaw na balon

Ang aking diwa, buto't balat lumulundo
Ang kaysariwa at kaysigla't punong-puno
Kong daigdig ay dambuhala nang puwang
Ang dating pag-ibig alaala na lang

Tulad ng dati, tulad ng dati
Tulad ng dati pa rin
Tulad ng dati, tulad ng dati
Tulad ng dati pa rin

Tulad ng dati, tulad ng dati
Tulad ng dati pa rin
Tulad ng dati, tulad ng dati
Tulad ng dati pa rin
Comments
blog comments powered by Disqus