Home
“Ginto” by Gary Granada
Album Invitation to a Chapel Wedding [2007]
Ave. Rating: 0 (0 votes)

Banatin pa ma'y 'di mapapatid
Ang tanikala'y minsan pang daig
Kahit igiling mananatiling ginto

Nariyang ibilad, tunawin kaya
Lalong titingkad, lalong gaganda
Kap'rasong patak, kaygarang gayak
Ginto

Ginto kong laan sa 'yo't sa 'yo lang
Ang puso'y buksang pinto
Pagniniigin, pagdadaluyin
Pag-iisahing ginto

Itago mo man, limutin kaya
Matatagpuan, magugunita
Saglit mong sulyap, muling kikislap
Ginto

Ginto mong laan sa aki't sa 'kin lang
Ang puso'y buksang pinto
Pagniniigin, pagdadaluyin
Pag-iisahing ginto

Itago mo man, limutin kaya
Matatagpuan, magugunita
Saglit mong sulyap, muling kikislap
Ginto

Huwag sanang masiphayo
Huwag sanang mabigo
Wagas at lantay
Pag-ibig ko ay ginto
Comments
blog comments powered by Disqus