Home
“Minsan” by Eraserheads
Album Circus [1994] / The Singles [2001] / Anthology [2004]
Words By Ely Buendia
Music By Ely Buendia
Ave. Rating: 0 (0 votes)

Minsan sa may Kalayaan, tayo'y nagkatagpuan
May mga sariling gimik at kanya-kanyang hangad sa buhay
Sa ilalim ng iisang bubong, mga sikretong ibinubulong
Kahit na anong mangyari, kahit na saan ka man patungo

Ngunit ngayon, kay bilis maglaho ng kahapon
Sana'y huwag kalimutan ang ating mga pinagsamahan
At kung sakaling gipitin ay laging iisipin na
Minsan tayo ay naging tunay na magkaibigan

Ahh, ahh
Ahh, ahh

Minsan ay parang wala nang bukas sa buhay natin
Inuman hanggang sa magdamag na para bang tayo'y mauubusan
Sa ilalim ng bilog na buwan, mga tiyan nati'y walang laman
Ngunit kahit na walang pera ang bawat gabi'y anong saya

Ngunit ngayon, kay bilis maglaho ng kahapon
Sana'y huwag kalimutan ang ating mga pinagsamahan
At kung sakaling gipitin ay laging iisipin na
Minsan tayo ay naging tunay na magkaibigan

Minsan ay hindi mo na alam ang nangyayari
Kahit na anong gawin, lahat ng bagay ay mayro'ng hangganan
Dahil ngayon, tayo ay nilimot ng kahapon
'Di na mapipilitang buhayin ang ating pinagsamahan

Ngunit kung sakaling mapadaan baka ikaw ay aking tawagan
Dahil minsan tayo ay naging tunay na magkaibigan
Comments
blog comments powered by Disqus
Download MP3
Related Lyrics
More lyrics by Eraserheads:
Page Views: 1,714