Home
“Himiglaya” by Agaw Agimat
Album Patak [1996]
Ave. Rating: 5 (1 votes)

INTRO


Sa bawat luha ang sa mata'y pumapatak
Pakinggan mo ang sanggol sa kanyang halakhak
Sa bawat paghinto ng buhay
Tingnan mo't may pag-ibig na naghihintay


CHORUS
Kikislap ang bituin sa gabing darating
Sisikat ang araw sa 'yong paggising
Kikislap ang bituin sa gabing darating
Sisikat ang araw sa 'yong paggising
Magkasama, magkaramay, magkaagapay
Magkasama, magkaramay, magkaagapay


Sa bawat pagka wala nang kasama
Humakbang ka't marami kang makikita
Sa bawat bagyong dala ay pinsala
Sasalubong sa 'yo ang bagong umaga


[Repeat CHORUS]


AD LIB


Magkasama, magkaramay, magkaagapay
Magkasama, magkaramay, magkaagapay
Magkasama, karamay at kaagapay
Magkasama, karamay at kaagapay
Hawakan mo aking mga kamay
At sa himig ng laya, tayo'y sumabay


AD LIB
(Ahh...)
Comments
blog comments powered by Disqus
Related Lyrics
Page Views: 1,725