Home
“Kiss-a-Me” by Agaw Agimat
Album Patak [1997]
Words By Q.T. Paduano / Renmin Nadela
Music By Q.T. Paduano / Renmin Nadela
Ave. Rating: 5 (2 votes)

Nang una kitang makita
Malungkot ako noon at nag-iisa
Iniwan ako ng aking sinta
Naalala mo pa ba

Luhaang nakahiga
Nakatungangang tulala
Nakatitig sa kisame
Walang ibang iniintindi

Pagsikat ng araw, agad kang natanaw
Ikaw at ang malikot mong galaw
Sayang, 'di tayo bagay
Sayang, kaibigan ko
Sayang, iba ka, iba ako
Sayang, kaibigan ko

Mabuti ka pa, dinadamayan mo ako
Mapa-araw, mapa-gabi, bumaha man o bumagyo
Nand'yan ka sa paningin ko
Nand'yan ka sa paningin ko

Pagsikat ng araw, agad kang natanaw
Ikaw at ang malikot mong galaw
Sayang, 'di tayo bagay
Sayang, kaibigan ko
Sayang, iba ka, iba ako
Sayang, kaibigan ko

Kamukha mo pa naman 'yung dating syota ko
Kamukha mo pa naman 'yung dating syota ko

Pagsikat ng araw, agad kang natanaw
Ikaw at ang malikot mong galaw
Sayang, 'di tayo bagay
Sayang, kaibigan ko
Sayang, iba ka, iba ako
Sayang, kaibigan ko

Sayang, sayang, sayang, kaibigan ko
Sayang, kaibigang butiki sa kisame
Kaibigang butiki sa kisame
Kaibigang butiki sa kisame
Kaibigang butiki sa kisame
Kaibigang butiki
Music Video
Comments
blog comments powered by Disqus
Download MP3
Related Lyrics
Page Views: 8,778