Home
“Pera” by Agaw Agimat
Album R-15 [1994]
Ave. Rating: 5 (1 votes)

INTRO


Ay naku, ngayon wala kang pera
Sa susunod na buwan, bukas wala ka ring pera
Sa susunod na buwan, wala ka ring pera
Sa susunod na taon, pera pa rin ang problema


Kung wala kang pera, pangit ka
Kasi ang pera, nagpapaganda
Kung malaki ang mata, nagpapa-singkit ang pera
Kung pango ka, tatangos kang bigla


Ang pera ngayon, nasa eskuwela
Ang education, negosyo pa
Kung wala kang pera, pasensya ka
Ang universities, money down muna


Kung mayaman ka, huwag kang mag-alala
Dahil sa pera, tatagal ka
Sa ospital kasi, bayad muna
Kung wala kang pera, manigas ka


REFRAIN
Buti pa ang pera may tao
Ang taong katulad ko, walang pera
Buti pa ang pera may tao
Ang taong katulad ko, walang pera


Pero ang tao, 'di tulad ng iba
Marami nang pera, pero tao ba sila


Wala kayong pera, wala kayong pera
Wala kayong pera, lahat tayo walang pera
Pero tao kayo, tao ba sila
Comments
blog comments powered by Disqus
Related Lyrics
Page Views: 4,933