Home
“Mula Noon, Hanggang Ngayon” by Lea Salonga
Album Lea [1987] / OPM Timeless Collection Gold Series [1997] / The Story of Lea Salonga: The Ultimate OPM Collection [2007]
Words By Boyet Palisoc
Music By Boyet Palisoc
Ave. Rating: 0 (0 votes)

Bakit kaya 'pag nakikita ka
Araw ko'y gumaganda at laging masaya
Ganyan ang damdamin kong nadarama mula noon
Hindi nagbabago hanggang ngayon

Bakit kaya 'pag nakausap ka
'Di nakakasawa ang iyong pagsalita
Tulad ng isang awiting kay gandang pakinggan
Mula sa simula hanggang wakas

Sadyang ganyan ang damdamin ko sa 'yo
Mahirap maintindihan subalit totoo
Kahit kailan sa buhay kong ito
'Di ka lilimutin mula noon hanggang ngayon

Bakit kaya 'pag nakausap ka
'Di nakakasawa ang iyong pagsalita
Tulad ng isang awiting kay gandang pakinggan
Mula sa simula hanggang wakas

Sadyang ganyan ang damdamin ko sa 'yo
Mahirap maintindihan subalit totoo
Kahit kailan sa buhay kong ito
'Di ka lilimutin mula noon hanggang ngayon

Bakit kaya puso'y nagtatanong
Mahirap maintindihan subalit totoo
Ewan ko ba sa damdamin kong ito
Hindi pa rin nagbabago mula noon hanggang ngayon
Hindi pa rin nagbabago mula noon hanggang ngayon
Comments
blog comments powered by Disqus
Download MP3
Related Lyrics
Page Views: 1,502