Home
“Humanap Ka ng Panget!” by Andrew E.
Album Humanap Ka ng Panget! [1990] / The Best of Andrew E. [1992] / Bastos Daw: 1990-2000 [2000] / The Number One Album [2002] / Andrew E.: Silver Series [2006] / Nicest of the 90's [2007] / 18 Greatest Hits [2010]
Words By Andrew E.
Music By Andrew E.
Ave. Rating: 5 (4 votes)

Ay, naku, ayan, kasi ano
Ang hihilig kasi sa magagandang lalaki
Ang hilig sa magandang babae
O, anong napala n'yo, e 'di wala
Kaya kung ako sa inyo
Makinig na lang kayo sa sasabihin ko
Humanap ka ng pangit at ibigin mong tunay
'Yan ang dapat mong gawin
Kaya makinig ka sa 'kin
And it goes a little something like this

Kung gusto mong lumigaya ang iyong buhay
Humanap ka ng pangit at ibigin mong tunay
Isang pangit na talagang 'di mo matanggap
At huwag ang lalaki na iyong pangarap

Ngunit kung bakit ko sinabi 'to'y simple lang
'Pagkat magagandang lalaki ay naglalaro lang
Ng 'yong oras, pagod, hirap at salapi
Ngunit handang-handang iwanan ka naman sa sandali

Na ikaw ay wala nang ibigay, 'di ba
Kaya't pangit na lalaki ang hanapin mo, 'day
Kung hindi, sige ka, puso mo'y mabibiyak
Mawalay man ang pangit hindi ka iiyak

Humanap ka ng pangit ('wag na uy, 'wag na, 'wag, 'wag na uy)
Humanap ka ng pangit ('wag na uy, 'wag na, 'wag, 'wag na uy)
Humanap ka ng pangit ('wag na uy)
Ibigin mong tunay ('wag na, 'wag, 'wag na uy)
('Wag na uy, 'wag na, 'wag, 'wag na uy)

Humanap ka ng pangit ('wag na uy, 'wag na, 'wag, 'wag na uy)
Humanap ka ng pangit ('wag na uy, 'wag na, 'wag, 'wag na uy)
Humanap ka ng pangit ('wag na uy)
Ibigin mong tunay ('wag na, 'wag, 'wag na uy)

Isang pangit na babae na mayro'ng pagtingin
Mangaliwa ka man, ah, sige lang and'yan pa rin
'Pagkat ikaw talaga ang kanyang pag-aari
Pag-isipan kang iwanan, hindi na maaari

At kung malingat ka man, huwag mag-alala
Sigurado ka namang walang makikipagkilala
Kung kasama mo siya, 'di bale na ang katakutan
Okey lang kung ikaw nama'y paglilingkuran

Kaya't para lumigaya ang iyong buhay
Humanap ka ng pangit at ibigin mong tunay
O kung hindi, sige ka, puso mo'y mabibiyak
Mawalay man ang pangit hindi ka iiyak, 'di ba

Humanap ka ng pangit ('wag na uy, 'wag na, 'wag, 'wag na uy)
Humanap ka ng pangit ('wag na uy, 'wag na, 'wag, 'wag na uy)
Humanap ka ng pangit ('wag na uy)
Ibigin mong tunay
('Wag na uy, 'wag na, 'wag, 'wag na uy)

Humanap ka ng pangit ('wag na uy, 'wag na, 'wag, 'wag na uy)
Humanap ka ng pangit ('wag na uy, 'wag na, 'wag, 'wag na uy)
Humanap ka ng pangit ('wag na uy)
Ibigin mong tunay ('wag na, 'wag, 'wag na uy)

Sasabihin ko sa inyo kung ano'ng nagyari
Nang may na-date akong isang pangit na babae
Manliligaw daw niya ay talagang ang dami
Ngunit nang siya'y nakita ko, mukha siyang lalaki

At sa akin ay matatawa ka talaga
'Pagkat kahawig na kahawig niya si Zorayda
Maniwala ka't ako'y napa-ibig niya, bakit
(E, kasi ang bait-bait niya)

Lahat ng aking hilingin, 'di tumatangi
Palagi siyang nakahalik sa aking pisngi
Ako'y shock (hah)
Araw-araw na tuwing kasama ko siya, gusto kong sumigaw

Gusto kong iwanan siya ngunit ako'y nag-isip
Ito ba'y totoo o isang panaginip
'Di siya maganda ngunit ako'y kanyang hari
(Iyan ba'ng dahilan kaya't kasama mo palagi)

Sabihin man nila na ako'y mangmang
Para sa akin, kagandahan ay hanggang balat lamang
At sa inyo, mayro'n akong ibubulong
(Second anniversary na namin 'to, tsong)

Kaya't para lumigaya ang iyong buhay
Humanap ka ng pangit at ibigin mong tunay
O kung hindi, sige ka, puso mo'y mabibiyak
Mawalay man ang pangit hindi ka iiyak

(Sige na nga)
Humanap ka ng pangit (sige na nga)
Humanap ka ng pangit (sige na nga)
Humanap ka ng pangit (sige na nga)
Ibigin mong tunay (sige na nga)

Humanap ka ng pangit (sige na nga)
Humanap ka ng pangit (sige na nga)
Humanap ka ng pangit (sige na nga)
Ibigin mong tunay

So you better watch out, you better not cry
You better not pout, I'm telling you why
Humanap ka ng pangit at ibigin mong tunay

'Cause the girls and the guys, they tell you all lies
You have to find out who's naughty, who's nice
Humanap ka ng pangit at ibigin mong tunay

Break it down
Comments
blog comments powered by Disqus
Download MP3
Related Lyrics
Page Views: 13,920