Home
“Iisang Bangka Tayo” by The Dawn
Album Abot Kamay [1992]
Ave. Rating: 0 (0 votes)

INTRO


Kay dilim at kay ginaw sa kalawakan ng dagat
Ubod lakas kung humiyaw ang galit na hanging habagat
Ngunit buo ang puso mong ang daluyong ay sugurin
Magkasama tayong katahimika'y hahanapin


Saan ang tungo mo, mahal kong kaibigan
Saan sasadyain hanap mong katahimikan
Basta't tayo'y magkasama, laging sasabayan kita
Pinagsamaha'y nasa puso, kaibigan, kabarkada


REFRAIN
Iharap natin ang layag sa umaawit na hangin
Kapit-bisig tayong ang gabi ay hahawiin


CHORUS 1
Dahon ng damo, tangay ng hangin
At 'di mo matanaw kung saan ka dadalhin
Ngunit kasama mo ako, nakabigkis sa puso mo
Daluyong ng dagat ang tatawirin natin


[Repeat 2nd stanza]
[Repeat REFRAIN]



CHORUS 2
Ating liliparin, may harang mang sibat
Ating tatawirin, daluyong ng dagat
Pagka't kasama mo ako, iisang bangka tayo
Ano man ang mithiin ay makakamtan natin


AD LIB


[Repeat CHORUS 2]
Comments
blog comments powered by Disqus
Related Lyrics
Page Views: 2,323