Home
“Sana'y Wala nang Wakas” by Sharon Cuneta
Album Sana'y Wala Nang Wakas [Original Motion Picture Soundtrack] [1986] / Sana'y Wala Nang Wakas [1994] / Ultimate Filipino Music Collection [Box Set] [2006] / Silver Series Movie Theme Songs: Sharon Cuneta [2006]
Words By Willy Cruz
Music By Willy Cruz
Ave. Rating: 0 (0 votes)

INTRO


Sana'y wala nang wakas
Kung pag-ibig ay wagas
Paglalambing sa 'yong piling
Ay ligaya kong walang kahambing


REFRAIN
Kung 'di malimot ng tadhana
Bigyang-tuldok ang ating ligaya
Walang hanggan ay hahamakin
Pagka't walang katapusan kitang iibigin


CHORUS
Kahit na ilang tinik ay kaya kong tapakan
Kung 'yan ang paraan upang landas mo'y masundan
Kahit ilang ulit ako'y iyong saktan
Hindi kita maaaring iwanan

Kahit ilang awit ay aking aawitin
Hanggang ang himig ko'y maging himig mo na rin
Kahit ilang dagat ang dapat tawirin
Higit pa riyan ang aking gagawin


Sana'y wala ng wakas
Kapag hapdi ay lumipas
Ang mahalaga ngayon ay pag-asa
Dala ng pag-ibig, saksi buong daigdig


[Repeat REFRAIN]
[Repeat CHORUS]



'Di lamang pag-ibig ko
'Di lamang ang buhay ko'y ibibigay
Sa ngalan ng pag-ibig mo
Higit pa riyan, aking mahal, ang alay ko
Comments
blog comments powered by Disqus
Related Lyrics
Page Views: 2,408