Home
“Sana'y 'Di Ko Na Nakita” by Carol Banawa
Album Carol [1997] / Carol [Repackaged] [2000]
Words By Freddie Saturno
Music By Freddie Saturno
Ave. Rating: 0 (0 votes)

Nalaman kong hindi lang ako at 'di rin totoo
Na ako lang ang iniibig mo
Ayoko sanang maniwala sa bali-balita
Baka isipin mo'y wala akong tiwala

Ngunit minsa'y nakita ko
Kausap mo'y iba at kayakap mo
Paliwanag pa ba ang kailangang marinig sa 'yo

Sana'y hindi ko na nakita
Nang 'di na ako nasaktan pa
Dahil sa 'yo, ngayo'y lungkot ang nadarama

Ganyan ba ang ugali mo
Nagbibilang ka at 'di makuntento
Sayang naman itong damdamin ko sa 'yo

Hindi lang miminsang nakita, mayro'n kang kasama
At napansin ko'y papalit-palit ka
Nabuo nga sa isipan ko na kabilang ako
Sa karamihan ng iyong niloloko

Dahil nga sa nakita ko (dahil nga sa nakita ko)
Kausap mo'y iba at kayakap mo
Paliwanag pa ba ang kailangang marinig sa 'yo

Sana'y hindi ko na nakita
Nang 'di na ako nasaktan pa
Dahil sa 'yo, ngayo'y lungkot ang nadarama

Ganyan ba ang ugali mo
Nagbibilang ka at 'di makuntento
Sayang naman itong damdamin ko sa 'yo

Ahh
Hah

Sana'y hindi ko na nakita
Nang 'di na ako nasaktan pa
Dahil sa 'yo, ngayo'y lungkot ang nadarama

Ganyan ba ang ugali mo
Nagbibilang ka at 'di makuntento
Sayang naman itong damdamin ko sa 'yo

Sayang naman itong damdamin ko sa 'yo
Hah...
Comments
blog comments powered by Disqus
Download MP3
Related Lyrics
Page Views: 2,275