Home
“Sukli” by Gloc-9 feat. Maya
Album Sukli [2016]
Ave. Rating: 0 (0 votes)

Kahit pa ako'y isang datihan
Na galon-galong pinapawisan
Mananatili pa ring isang baguhan
Kahit gaano kalayo ay mararating
Kasya pa ang aking sukli
Kasya pa ang aking sukli
Kasya pa ang aking sukli

Mula pa noon ay sinimulan ko na'ng gumapang
Hanggang ngayon ay nakahanda akong lumaban
Lahat ng tanong, mga sagot aking hahanapan
Bawat taon, nilakad at dinaanan

Kahit maputikan ang aking sapatos
Na pinag-ipunan ng hirap at pagod
Sa pag-tawid sa tulay na walang gabay, sugat sa kamay na
Bawal ang aray kahit mamatay at gutay-gutay pa

Gusto ko lamang sa-bihin ay 'di mada-li
Ang mga kailangan kong danasin
Pa-ra lang maabot ang mga kailangan ng aking mga supling
Bagamat mailap ang pagkakataong pinagkasya ko ang sukling

Sa 'kin ay inabot, inunat ang baluktot; bakit tadhana ay malikot
Iwasan nang mayamot kahit na matabunan ka pa ng mga sigalot
Ngunit 'di ka papayag dahil katapangan mo'y 'di maikukubli
Kahit na ano pa'ng sabihin ng iba'y kasya pa'ng aking sukli

Kahit pa ako'y isang datihan
Na galon-galong pinapawisan
Mananatili pa ring isang baguhan
Kahit gaano kalayo ay mararating
Kasya pa ang aking sukli
Kasya pa ang aking sukli
Kasya pa ang aking sukli

Labinwalong taon, kapag nilingon ay parang balon na malalim
Bawal ang magtapon, dapat mag-ipon; ako ay pison, papatagin
Ang lahat ng pikon 'di makatugon sa mga hamon, uulamin
Sa bawat araw na nagdaraan ako'y laging nagdarasal, Ama Namin

Dambuhala man ang nakaharang ay 'di tumitigil, 'di papapigil
Kahit kanino ako pursigido na parang baguhan; ako'y nanggigigil
Batang pulibi gutom; bibig ko na 'di puwedeng mapatikom
Sisiguraduhin ko na iyong maririnig kahit na ito ay pabulong (kahit pabulong)

Mula pa noon ay sinimulan ko nang gumapang
Hanggang ngayon ay nakahanda akong lumaban
Umaalulong, isa lang ang aking natutunan
Mula ngayon, ikaw ang dapat mong tulungan

'Di papagapos sa daloy ng agos
Kahit na pulaan at laging mamaos
Sa pag-sigaw nang sigaw; 'pag naliligaw, libag ay ipagpag
Itak mo'y bigaw; bigas ma'y hilaw, huwag kang bibitaw, huwag

Kahit pa ako'y isang datihan
Na galon-galong pinapawisan
Mananatili pa ring isang baguhan
Kahit gaano kalayo ay mararating
Kasya pa ang aking sukli
Kasya pa ang aking sukli
Kasya pa ang aking sukli
Music Video
Comments
blog comments powered by Disqus
Download MP3
Related Lyrics
Page Views: 2,474