Home
“Walang Iwanan” by Jason Dy
Album Jason Dy [2015]
Ave. Rating: 0 (0 votes)

'Di ba't kayganda-ganda ng pagsasama natin
'Di ko maintindihan kung ano'ng nangyari sa atin
Bakit ba kinakailangan pang maghiwalay
Dahil lang sa maliit na bagay at walang kakuwenta-kuwentang away

Sinubuk-subukan mong humanap ng iba
Ang akala ko naman ay kaya ko ang mag-isa
Huwag na nating pahirapan ang sarili
Tama na ang pagkukunwari; amining hanap mo ako't hanap ka rin
Magmula ngayon

Walang iwanan
Tayo'y para sa isa't isa
Walang kaduda-duda
Walang iwanan
Lungkot man o sa ligaya
Hirap man o sa ginhawa
Walang iwanan
Kahit na ano'ng mangyari ay
Hinding-hindi na bibitaw muli
Magmamahalan kailanman
Walang iwanan

Sa dinami-dami ng napagdaanan natin
Kung ano-ano ang dumating hanggang ngayon tayo pa rin
Kahit ga'no kabigat pa ang problema
Ang lahat ay kayang-kaya na kung magkasama tayong dalawa
Magmula ngayon

Walang iwanan
Tayo'y para sa isa't isa
Walang kaduda-duda
Walang iwanan
Lungkot man o sa ligaya
Hirap man o sa ginhawa
Walang iwanan
Kahit na ano'ng mangyari ay
Hinding-hindi na bibitaw muli
Magmamahalan kailanman

Walang iwanan
Tayo'y para sa isa't isa
Walang kaduda-duda
Walang iwanan
Lungkot man o sa ligaya
Hirap man o sa ginhawa
Walang iwanan
Kahit na ano'ng mangyari ay
Hinding-hindi na bibitaw muli
Magmamahalan kailanman
Walang iwanan
Walang iwanan
Music Video
Comments
blog comments powered by Disqus
Download MP3
Related Lyrics
Page Views: 373