Home
“Tala” by Sarah Geronimo
Album The Great Unknown [2015]
Words By Nica del Rosario / Emmanuel Sambayan
Music By Nica del Rosario / Emmanuel Sambayan
Ave. Rating: 0 (0 votes)

Tala, tala, tala
Ang ningning ng mga tala'y nakikita ko sa 'yong mga mata
Tala, tala, tala
Ang ningning ng 'yong mga mata'y hinahanap ko sa mga tala

Siguro nga'y masyadong mabilis ang pagyanig
Ng puso ko para sa puso mo
Siguro nga ako ay makulit, ayaw makinig
Sa takbo ng isip, hindi ko maipilit

Tila ako'y nakalutang na sa langit
Ngunit nalulunod sa 'yong mga ngiti

At kung hanggang dito lang talaga tayo
Hindi pababayaan ang daang tinahak na kapiling ka
At kung umabot tayo hanggang dulo
Kapit lang nang mahigpit; aabutin natin ang mga tala

Tala, tala, tala
Ang ningning ng mga tala'y nakikita ko sa 'yong mga mata
Tala, tala, tala
Ang ningning ng 'yong mga mata'y hinahanap ko sa mga tala

Maaaring kinabukasan ay mag-iba ng
Ihip ng iyong ninanais
Ngunit maaari ba'ng kahit na pansamantala lang
Ikaw muna'y maging akin

Tila ako'y nakalutang na sa langit
Ngunit nalulunod sa 'yong mga ngiti

At kung hanggang dito lang talaga tayo
Hindi pababayaan ang daang tinahak na kapiling ka
At kung umabot tayo hanggang dulo
Kapit lang nang mahigpit; aabutin natin ang mga tala

Tala, tala, tala
Ang ningning ng mga tala'y nakikita ko sa 'yong mga mata
Tala, tala, tala
Ang ningning ng 'yong mga mata'y hinahanap ko sa mga tala

Hindi man ako nilagay sa mundong ito para sa iyo
Parang nakatingin ang buong daigdig 'pag ako'y yakap-yakap mo

At kung hanggang dito lang talaga tayo
Hindi pababayaan ang daang tinahak na kapiling ka
At kung umabot tayo hanggang dulo
Kapit lang nang mahigpit; aabutin natin ang mga tala

Tala, tala, tala
Ang ningning ng mga tala'y nakikita ko sa 'yong mga mata
Tala, tala, tala
Ang ningning ng 'yong mga mata'y hinahanap ko sa mga tala

Hah (hah), hah (hah)
Ang ningning ng mga tala'y nakikita ko sa 'yong mga mata
Kita ko sa 'yong mga mata
Ang ningning ng 'yong mga mata'y hinahanap ko sa mga tala
Music Video
Comments
blog comments powered by Disqus
Download MP3
Related Lyrics
Page Views: 5,803