Home
“Awit ni Ginny” by Toni Gonzaga
Album Celestine [2014]
Words By Toni Gonzaga
Music By Toni Gonzaga
Ave. Rating: 0 (0 votes)

'Di maikumpara ng nasa kamera
Aking nadarama kapag kasama ka
Bawat sulyap at titig katumbas ay langit
Bakit nasa isip, wala nang papalit (wala na nga)
Sa 'yong mga tingin

Ako'y natutunaw; bakit nalulusaw
Puso'y umaasa sa 'yong pangako, sinta (pangako, sinta)
Ika'y maghihintay kahit na mawalay
Ngunit lumipas at pag-ibig mo'y nahimlay

Baka ang Prince Charming at 'yun bang 'happy ending'
Ay parang bituin, mahirap sungkitin
Paulit-ulit lang, 'di maintindihan
'Pag ika'y nariyan hindi malimutan ('di malimutan)
Ang 'yong mga tingin

Ako'y natutunaw; bakit nalulusaw
Puso'y umaasa sa 'yong pangako, sinta (pangako, sinta)
Ika'y maghihintay kahit na mawalay
Ngunit lumipas at pag-ibig mo'y nahimlay

Bakit hindi na nadala
Hindi na mawala ang 'yong pag-ibig
Kahit minsan lang nadama
Ang sinabi mo, sinta, na tayong dalawa

(Ngayo'y natutunaw; ako'y nalulusaw
Ang pusong umasa sa 'yo'y nagdurusa)
Ngayo'y natutunaw; ako'y nalulusaw
Ang pusong umasa sa 'yo'y nagdurusa

Hindi ka naghintay nang tayo'y mawalay
Ngayo'y lumipas at pag-ibig mo'y nahimlay

Ako'y maghihintay kahit magkawalay
Alaala ng pag-ibig mo'y nahimlay
Music Video
Comments
blog comments powered by Disqus
Download MP3
Related Lyrics
Page Views: 443