Home
“'Di Ka Man Lang Nagpaalam” by Juan Karlos Labajo
Album JK [2015]
Ave. Rating: 4.4 (5 votes)

Umalis ka na pala
Iniwan mo akong nag-iisa
Lahat nama'y tila ba maayos mula sa umpisa
Masaya ang bawat sandaling kasama kita

Ngunit biglang isang umaga
Paggising ko'y wala ka na
Naglaho kang parang bula
Hindi alam kung bakit lumisan ka

Nag-iisip nang malalim kung ano'ng nangyari sa atin
Nababahala, baka 'di ka na bumalik sa aking piling

Dahil ikaw ang siyang kailangan ko
Magpakailanpaman asahan mong pag-ibig ko'y 'di magbabago
Pinapangakong maghihintay sa 'yo

Napatulala
Inaalala ang ating nakaraan
Binabalik-balikan ang dating tagpuan
Baka sakaling naro'n ka't naghihintay, nalulumbay

Kasabay ng pagbuhos ng ulan
Pagpatak ng luha'y hindi mapigilan
Kailan kaya kita muling masisilayan

Dahil ikaw ang syang kailangan ko
Magpakailanpaman asahan mong pag-ibig ko'y 'di magbabago
Pinapangakong maghihintay sa 'yo

At sandaling tumigil ang mundo
Nang malaman ko ang totoo
Na hindi ka na babalik sa piling ko

Dahil ikaw ang syang kailangan ko
Magpakailanpaman asahan mong pag-ibig ko'y 'di magbabago
Pinapangakong maghihintay sa 'yo
Music Video
Comments
blog comments powered by Disqus
Download MP3
Related Lyrics
Page Views: 15,668