Home
“Liwanag” by Zion Aquino feat. Yeng Constantino
Words By Zion Aquino
Music By Zion Aquino
Ave. Rating: 0 (0 votes)

Hawakan mo'ng aking kamay
Bayaan mong maging gabay
At kung daan man ay lukubin ng dilim
Ako ay ilaw mo rin

At kung ika'y nasasaktan
Ang puso mo'y nagdaramdam
Kung ang umaga mo'y maging takipsilim
Ito'y magliliwanag rin

Pagdating ng liwanag, 'di na luluha
O muling matitinag at 'di na magdurusa
Ngunit ngayo'y hayaan mong
Punasan ko ang luha mo

Bayaan mong maging lakas (bayaan mong maging lakas)
Sandalan at iyong tatag
Kung pagbangon ma'y sayo'y ipagdamot
Ako'y pag-asang abot

Pagdating ng liwanag, 'di na luluha
O muling matitinag at 'di na magdurusa
Ngunit ngayo'y bayaan mong (ngayo'y hayaan mong)
Punasan ko ang luha mo

'Di man dumating ang bahaghari
O sumilip pagkatapos ng ulan
Kung bukas mo'y 'di mo mawari
Andito lang ako at 'di ka iiwan

Pagdating ng liwanag, 'di na luluha
O muling matitinag at 'di na magdurusa
Ngunit ngayo'y hayaan mong
Punasan ko ang luha mo

Hayaan mong ang bisig ko ang yumakap sa 'yo
Music Video
Comments
blog comments powered by Disqus
Related Lyrics
More lyrics by Zion Aquino:
Page Views: 979