Home
“Tandaan Mo 'To” by Erik Santos feat. Gloc-9
Album Champion Reborn [EP Part 1] [2015] / Champion Reborn [2015]
Words By David Dimaguila
Music By David Dimaguila
Ave. Rating: 4 (5 votes)

Ayaw na kitang bitawan
Hindi ibig sabihin na hindi ko alam
Kung wala na 'kong laban
Sa kabila ng lahat ng ginawa ko
Pwes, sabihin mo lang

Para 'di masayang ang oras mo
Para 'di maaksaya rin ang boses ko
'Di ko naman kayang manalo
Kaya 'di na 'ko makikipagtalo pero

Tandaan mo 'to, ohh
'Pag umalis ka kahit bumalik ka
'Di mo na 'ko maloloko
Tandaan mo 'to, ohh
Kung aalis ka, eh 'di umalis ka
Pero 'di ako maghihintay sa 'yo

Hanap, butas, duda, mura
Takas, tagas, alak, suka
Kahit na pilit kitang kinukuha
Parang ako sa 'yo ay tila 'di na una

Huwag na natin pang habaan
Sa tagal ng pagsasama hindi mo pa ba alam
Parehas tayong matapang
At kung hindi magbabago ang pasya mo
Pwes, sabihin mo lang

Para 'di masayang ang oras mo
Para 'di maaksaya rin ang boses ko
'Di ko naman kayang manalo
Kaya 'di na 'ko makikipagtalo pero

Tandaan mo 'to, ohh
'Pag umalis ka kahit bumalik ka
'Di mo na 'ko maloloko
Tandaan mo 'to, ohh
Kung aalis ka, eh 'di umalis ka
Pero 'di ako maghihintay sa 'yo

Binigay ang lahat ng pagmamahal
'Di mo ba naramdaman
Bakit bali binale-wala mo lahat
Ng pangako mong walang hanggan

Nilabas ko na'ng lahat ng damit mo sa aparador
Dalhin mo na din ang maalikabok na bentilador
Gusto mo'ng kape, eto pa ang takure
Kasi gabing gabi ka na kung umuwi

Napapagod din ako; pwede ba ang humindi
Dahil isang milyong beses na yata sa 'kin ang muli
Ang hiling ko lang ay iwanan mo ang iyong kumot at unan
'Pagkat halimuyak mo lamang ang nais kong maiwan, hoy

Tandaan mo 'to, ohh
'Pag umalis ka kahit bumalik ka
'Di mo na 'ko maloloko
Tandaan mo 'to, ohh
Kung aalis ka, eh 'di umalis ka
Pero 'di ako maghihintay sa 'yo

Tandaan mo 'to, ohh
'Pag umalis ka kahit bumalik ka
'Di mo na 'ko maloloko
Tandaan mo 'to, ohh
Kung aalis ka, eh 'di umalis ka
Pero 'di ako maghihintay sa 'yo
Music Video
Comments
blog comments powered by Disqus
Download MP3
Related Lyrics
Page Views: 4,111