Home
“Parang Wala Lang” by Tippy Dos Santos
Album Parang Wala Lang [Single] [2015]
Ave. Rating: 3 (1 votes)

Hoh-woh
Hoh-wohh

Ilang awit na ba ang naipatugtog
Na nauwi lang sa mga matang mugto
'Di na mabilang ang
Mga bakas ng luha ko sa unang hinihigaan

Sinubok magsaya; naghanap ng magagawa
Nakibarkada at kung saan-saan naggagala
Ngunit sa 'king pag-uwi
Kapiling lang ay hangin at ako'y nag-iisang muli

(Sa isip ko at bawat galaw)
Ay laging naro'n ka at 'di mabura-bura
(Pinilit ko mang umayaw)
Tila ba sumpang 'di maalis, bumabalik

At kung ano-ano na ang ginawa at sinubukan
Para alaala mo'y mawala at malimutan
'Pagkat 'di gumagaling ang sugat na dinulot mo
At kahit na ano'ng gawin 'di uusad itong puso ko

Parang wala, parang wala lang din naman
Parang wala lang naman kung ako'y masaktan
Parang wala, parang wala lang din naman
Mabuting 'di ko na isipin na hanggang ngayon ika'y mahal pa rin

Ooh-woh
Woh-wohh-ohh

'Di na mabilang ang ipinuyat na gabi
Inuumaga sa paggimik at pagkakape
Upang malimot ka
Pero tila ba sa 'king mundo'y ika'y nakapalibot na

At kung ano-ano na ang ginawa at sinubukan
Para alaala mo'y mawala at malimutan
'Pagkat 'di gumagaling ang sugat na dinulot mo
At kahit na ano'ng gawin 'di uusad itong puso ko

Tila hangal sa 'ting kuwento, isang daang porsyento
Pero para-paraang pinaparaang pusong wala nang preno
Sadyang 'di na mapawi sa isip ko
Ang awit ng nakaraang parang sumpang 'di maalis, bumabalik

At kung ano-ano na ang ginawa at sinubukan
Para alaala mo'y mawala at malimutan
'Pagkat 'di gumagaling ang sugat na dinulot mo
At kahit na ano'ng gawin 'di uusad itong puso ko

At kung ano-ano na ang ginawa at sinubukan
Para alaala mo'y mawala at malimutan
'Pagkat 'di gumagaling ang sugat na dinulot mo
At kahit na ano'ng gawin 'di uusad itong puso ko

Parang wala, parang wala lang din naman
Parang wala lang naman kung ako'y masaktan
Parang wala, parang wala lang din naman
Mabuting 'di ko na isipin na hanggang ngayon ika'y mahal pa rin
Music Video
Comments
blog comments powered by Disqus
Download MP3
Related Lyrics
More lyrics by Tippy Dos Santos:
Page Views: 6,172