Home
“Mouths Unplugged” by The Akafellas feat. Gloc 9
Album The Akafellas [2004]
Words By DJ Myke / Aristotle Pollisco
Music By DJ Myke / Aristotle Pollisco
Ave. Rating: 5 (1 votes)

Sige, makinig ka sa mga tunog na binibigay namin, yeah yeah
'Di ito mamahaling drum machine, 'di naman yukalele
Tanging gamit namin ay beatbox
Malupit pa sa naka-dreadlocks
Sige subukan mo sabayan ang mga binibitawang letrax


Makinig ka sa radyo
Teka, baka maimpatso
Isa-isa mong unawain ang mga salitang kinabisado
Ginagamit namin ay beatbox


Dahilan sa ako ang pinakamalupit
Sabihin na kapag sumulat ay pinakamalupit
Lagi sinusuot na parang paborito mong damit
Kung naging barbero ay sa 'kin ka magpapagupit


'Pag hinawakan na ang mikropono ay umiiling
Kahit nagbabayad ka nang Meralco ay dumidilim
Kapag lumakas ang bayo ng tulad ng naririnig mo
Sumabay ka sa amin, sa amin, sa amin ay


Gusto ko lang malaman, may kasama ka ba
Kasi kanina pa tayo nagtitinginan sa mata
Tamad na siguro, dapat ay lumapit na
Para malaman ko ang pangalan at kung sang ka nakatira
Telepono mo, ito naman ang numero ko
Tawagan mo ako kapag ikaw nababato
Ano sabi mo, gusto mo ba tayong sumaya
Para bang natutulala ako sa bawat galaw na bibigay


Hintay, sa akin sumabay
Pareho tayong tatawid sa pangdalawahang tulay
Kumapit ka sa akin, akapin mo na mahigpit
'Pagkat alam mo na sa bawat galaw ay walang hihigit
Sa buong paligid, wala kang matatagpuan
Na kahit sino mang lalaki na malalampasan na kaya kong gawin na para sa 'yo
Kaya pakinggan mo na lang ang sinasabi ko


Kapag ikaw ay sumasayaw
'Di ko malaman kung bakit ako napapatanaw, napapagalaw
Bakit parang nag-iisa ka
Halika, sabihin mo sa akin, may kasama ka ba
Comments
blog comments powered by Disqus
Related Lyrics
Page Views: 1,511