Home
“'Di Man Lang Nagpaalam” by Edward Benosa
Album Edward Benosa [2014]
Words By Arnold Reyes
Music By Arnold Reyes
Ave. Rating: 0 (0 votes)

Hindi ko alam kung bakit kita nagustuhan
Basta't ang alam ko lang ay ikaw ang buhay ko
Maraming nagsasabing iiwan mo lang ako
Hindi ako naniwala dahil pinaramdam mo na mahal mo rin ako

'Yon pala tama sila dahil niloko mo ako
Matamis na mga pangako ay walang pusong napako

'Di man lang nagpaalam
Bigla na lang kinalimutan
Ang pag-ibig na alay ko
Buong buhay ko'y binigay sa 'yo
Masakit mang isiping hindi na tayo
Sana'y dinggin ang sigaw ng puso ko
Ba't 'di man lang nagpaalam

Hindi mo alam kung paano ako nasaktan
Hindi ba't nangarap tayo nang walang hanggan
Bigla kong nadama ang ligayang 'di ko pa naramdaman
Sa unang pagkakataong umibig ako sa 'yo

'Yon pala tama sila dahil niloko mo ako
Matamis na mga pangako ay walang pusong napako

'Di man lang nagpaalam
Bigla na lang kinalimutan
Ang pag-ibig na alay ko
Buong buhay ko'y binigay sa 'yo
Masakit mang isiping hindi na tayo
Sana'y dinggin ang sigaw ng puso ko
Ba't 'di man lang nagpaalam

Ilang taon na ang lumipas
Bakit nasasaktan pa rin
Ano ba ang nagawa ko
Tanong ng puso ko sana'y dinggin mo

'Di man lang nagpaalam
(Bigla na lang kinalimutan
Ang pag-ibig na alay ko)
Buong buhay ko'y binigay sa 'yo
(Masakit mang isiping hindi na tayo) Masakit mang isipin
Sana'y dinggin ang sigaw ng puso ko (dinggin ang sigaw ng puso)
Sana'y dinggin ang sigaw ng puso ko
Ba't 'di man lang (ba't 'di man lang) nagpaalam
Music Video
Comments
blog comments powered by Disqus
Download MP3
Related Lyrics
More lyrics by Edward Benosa:
Page Views: 5,984