Home
“Ikaw Lamang” by Dingdong Avanzado
Album Dingdong Avanzado [1988] / The Best of Dingdong Avanzado [1992] / The Best of Dingdong Avanzado [Re-issue] [2007]
Words By Rainier Raymundo
Music By Raffy Jocson
Ave. Rating: 5 (1 votes)

Hindi ko maalis sa aking sarili ang pangangamba
Hindi ko namalayan, nasaktan pala kita
Hindi ko naman sinasadya, hindi naman kita dinadaya
Ako kaya'y mapapatawad mo pa, sige na

Heto ako, nakaluhod
Dikit-palad, sumasamo
Sana'y pakinggan mo
Ang mga paliwanag ko

Sana'y limutin na ang ating tampuhan
At ibalik ang dating pagmamahalan
Asahan mo tanging ikaw lamang
Ang tinitibok ng aking puso

Hindi ko maalis sa aking sarili ang pangangamba
Hindi ko namalayan, nasaktan pala kita
Hindi ko naman sinasadya, hindi naman kita dinadaya
Ako kaya'y mapapatawad mo pa, sige na

Heto ako, nakaluhod
Dikit-palad, sumasamo
Sana'y pakinggan mo
Ang mga paliwanag ko

Sana'y limutin na ang ating tampuhan
At ibalik ang dating pagmamahalan
Asahan mo tanging ikaw lamang
Ang tinitibok ng aking puso

Sana'y limutin na ang ating tampuhan
At ibalik ang dating pagmamahalan (ibalik, hoh)
Asahan mo tanging ikaw lamang
Ang tinitibok ng aking puso

Ngayon, bukas, kahit kailan
Ikaw lamang
(Ikaw lang)

Ikaw lamang (ikaw lang) [9x till fade]
Comments
blog comments powered by Disqus
Related Lyrics
Page Views: 2,525