Home
“Pogi (Hindi Lahat)” by Superkendi
Album Superkendi [CD Lite] [2011]
Ave. Rating: 4 (8 votes)

Ganito ako
Noong isilang sa mundo
Payatot at hindi gwapito
Isang simpleng tao

Ang pangarap ko
Ay 'sang babaeng tulad mo
Hindi maarte, medyo istrikto
At 'yong matatanggap ako

Kaso lang may boyfriend ka
Paano na ako, sinta
Hanggang pangarap na lang ba
Sa tulad mong napakaganda

Hindi lahat ng pogi ay mababait
Tumingin ka sa pangit, 'yong medyo makulit
Hindi lahat ng pogi ay mababait
Tumingin ka sa pangit, 'yong medyo makulit

Huwag kang mag-alala
Hindi ako basagulero
Ako nama'y disenteng tao
Handang umibig sa 'yo

Ngunit nangangamba
Damdamin ko'y maitsapwera
Itapon mo do'n sa Luneta
Hanggang maglaho na

Kaso lang may boyfriend ka
Paano na ako, sinta
Hanggang pangarap na lang ba
Sana ako ay maka-tsamba

Hindi lahat ng pogi ay mababait
Tumingin ka sa pangit, 'yong medyo makulit
Hindi lahat ng pogi ay mababait
Tumingin ka sa pangit, 'yong medyo makulit

(Woh)

Ano man ang mangyari
Mag-break man kayo ng boyfriend mo
Nandito lang ako
Maghihintay para sa 'yo

Hindi lahat ng pogi ay mababait
Tumingin ka sa pangit, 'yong medyo makulit
Hindi lahat ng pogi ay mababait
Tumingin ka sa pangit, 'yong medyo makulit

Hindi lahat ng pogi ay mababait
Tumingin ka sa pangit, 'yong medyo makulit
Hindi lahat ng pogi ay mababait
'Di tulad ko na pangit...

Pero cute naman
Music Video
Comments
blog comments powered by Disqus
Related Lyrics
More lyrics by Superkendi:
Page Views: 2,286