Home
“Siguro” by Yeng Constantino
Album Lapit [2009]
Words By Yeng Constantino
Music By Yeng Constantino
Ave. Rating: 1 (1 votes)

Gusto ko, gusto ko
Gusto ko sanang sabihin sa iyo
Pero paano, paano
'Pag malapit ka'y nauutal ako

Nahihiya, tumitiklop
Nawawala bigla ang sasabihin ko
Ang nakikita ko lang ay ang mukha mo
Lahat sa paligid ko ay naglalaho

Siguro'y umiibig kahit 'di mo pinapansin
Magtitiis na lang ako, magbabakasakaling ika'y mapatingin
Kahit sa panaginip, ikaw lang ang aking hinihiling
Sa bawat ngiti mo sa panaginip ko, parang ayoko nang magising

Ayaw ko, ayaw ko
Ayoko sanang magmukhang tanga sa 'yo
Pero nalilito, nalilito
'Pag sasabihin ay nagbubuhol ang dila ko

At tulala na lang sa 'yo
Ano ba naman, bakit lagi na lang ganito
Ang nakikita ko lang ay ang mukha mo
Lahat sa paligid ko ay naglalaho

Siguro'y umiibig kahit 'di mo pinapansin
Magtitiis na lang ako, magbabakasakaling ika'y mapatingin
Kahit sa panaginip, ikaw lang ang aking hinihiling
Sa bawat ngiti mo sa panaginip ko, parang ayoko nang magising

Parang wala nang mangyayari sa nadarama
Sa bawat araw, parang lalong lumalala
Bakit ba sa 'yo 'di pa rin ako nagsasawa
Aasa na lang kahit sa pangarap lang

Siguro'y umiibig kahit 'di mo pinapansin
Magtitiis na lang ako, magbabakasakaling ika'y mapatingin
Kahit sa panaginip, ikaw lang ang aking hinihiling
Sa bawat ngiti mo sa panaginip ko, parang ayoko nang magising

Kahit umiibig, kahit 'di mo pinapansin
Magtitiis na lang ako, magbabakasakaling ika'y mapatingin
Kahit sa panaginip, ikaw lang ang aking hinihiling
Sa bawat ngiti mo sa panaginip ko, parang ayoko nang magising
Music Video
Comments
blog comments powered by Disqus
Download MP3
Related Lyrics
Page Views: 4,081