“Lumayo Ka Man” by Rodel Naval
Album | Lumayo Ka Man [1991] / Rodel's Legacy ...Lives On! [1998] / Lumayo Ka Man sa Akin [2012] |
Words By | Rodel Naval |
Music By | Mariya Takeuchi |
Lumayo ka man sa akin
At ako'y iyong limutin
Masakit man sa damdamin
Pilit pa ring titiisin
Mga lumipas na ligaya
Ang kahapong may pag-asa
Mga pangarap na walang hanggan
Ay naglaho paglisan mo, mahal ko
'Pagkat saan ka man naroroon
Pintig ng puso ko'y para sa 'yo
Naghihirap man ang aking damdamin
Nagmamahal pa rin sa 'yo, giliw
Limutin man kita'y 'di ko magawa
Hindi pa rin ako nagbabago
Ang pag-ibig ko sa 'yo'y laging kasama
Mga sandaling ligaya
Kung ikaw ang siyang kasama
Sana ay 'di na natapos pa
Wala nang nais pang iba
Sa gabing naaalala
Nalulumbay 'pagkat wala ka
Ang yakap mo'y aking inaasam
Sana'y maulit pang muli, mahal ko
'Pagkat saan ka man naroroon
Pintig ng puso ko'y para sa 'yo
Naghihirap man ang aking damdamin
Nagmamahal pa rin sa 'yo, giliw
Limutin man kita'y 'di ko magawa
Hindi pa rin ako nagbabago
Ang pag-ibig ko sa 'yo'y laging kasama
Tuluyan mang tayo'y 'di magkita
Umaasa pa rin ako, sinta
'Pagkat mahal kita, manalig ka
Walang katulad mo sa buhay ko
Ikaw lamang ngayon, bukas, kailanman
Naririto ako, asahan mo
Ang pag-ibig ko sa 'yo'y laging kasama
Ang pag-ibig ko sa 'yo'y laging kasama
At ako'y iyong limutin
Masakit man sa damdamin
Pilit pa ring titiisin
Mga lumipas na ligaya
Ang kahapong may pag-asa
Mga pangarap na walang hanggan
Ay naglaho paglisan mo, mahal ko
'Pagkat saan ka man naroroon
Pintig ng puso ko'y para sa 'yo
Naghihirap man ang aking damdamin
Nagmamahal pa rin sa 'yo, giliw
Limutin man kita'y 'di ko magawa
Hindi pa rin ako nagbabago
Ang pag-ibig ko sa 'yo'y laging kasama
Mga sandaling ligaya
Kung ikaw ang siyang kasama
Sana ay 'di na natapos pa
Wala nang nais pang iba
Sa gabing naaalala
Nalulumbay 'pagkat wala ka
Ang yakap mo'y aking inaasam
Sana'y maulit pang muli, mahal ko
'Pagkat saan ka man naroroon
Pintig ng puso ko'y para sa 'yo
Naghihirap man ang aking damdamin
Nagmamahal pa rin sa 'yo, giliw
Limutin man kita'y 'di ko magawa
Hindi pa rin ako nagbabago
Ang pag-ibig ko sa 'yo'y laging kasama
Tuluyan mang tayo'y 'di magkita
Umaasa pa rin ako, sinta
'Pagkat mahal kita, manalig ka
Walang katulad mo sa buhay ko
Ikaw lamang ngayon, bukas, kailanman
Naririto ako, asahan mo
Ang pag-ibig ko sa 'yo'y laging kasama
Ang pag-ibig ko sa 'yo'y laging kasama
Song Trivia
Because of Rodel's yearning for his mother who recently died, he penned this song in just fifteen minutes while he was in Japan. He based the melody on a Japanese song "Single Again" sung by Mariya Takeuchi.
Comments